Kilalang Mga Post

Linggo, Nobyembre 6, 2011

Ang Saya sa Bawat Patak

            "Maabutan ka man ng ulan, at walang masilungan, magpakasaya ka na lamang sa malamig na patak ng ulan."
               Ito ang napanood ko sa isang pelikulang napamahal na sa sambaynan. Sino ba naman ang kayang tiisin na hindi maligo sa ulan? Bata man o matanda, lahat ay nananabik na maligo sa ulan. Tila inaakit nito ang mga nilikha na magtampisaw sa kanyang malamig na tubig.
          Tuwing umuulan, maraming naniniwala na ito ay isang pagpapala mula sa Diyos. Sabi nga sa mga simbahan na lahat ng likhang galing sa Diyos ay may magandang dulot sa mga taong karapat-dapat sa kanyang paningin. At dahil gawa ng Diyos ang ulan, tayong mga nilikha ay nagpapakasaya at nagpapasalamat sa pagpapalang ipinamamahagi Niya sa atin.
            Sa mga batang katulad ko pati na ang mga matatanda, ang paliligo sa ulan ay isa sa mga paboritong gawain sa tuwing ang langit ay magbubuhos ng malalamig na patak ng tubig. karaniwan, ang mga bata ang tuwang-tuwa kapag may ganitong sitwasyon sa kadahilangng nakakapaglaro sila sa tubig. Pakiramdam nila sila ay nasa ilalim ng dagat, lumalangoy at naglalaro. Malamig ang buong paligid kaya kahit anong likot mo ay hindi ka pagpapawisan.
               Kaligayahan ang katumbas ng bawat patak ng malamig na tubig na galing sa langit. Lahat sa paligid mo ay nakangiti at nakatawa. Oras ito ng pahinga. Oras ito ng walang tigil na saya sa bawat patak ng tubig na dulot ay kagalakan at nakahahawang kasiyahan.
          

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento