Kilalang Mga Post

Sabado, Disyembre 3, 2011

Sa Mundo ng Teknolohiya


Nagbago na ang mundo!

Ito na lamang ang aking masasabi dahil sa panahon ngayon, marami nang naglipanang mga digital na gadyet tulad na lamang ng kompyuter na may malaking naitutulong sa araw-araw na pamumuhay. kompyuter ang laging may pinakamalaking naitutulong dahil hindi lamang ito basta isang digital na gadyet, isa itong gamit para sa komunikasyon, pagkuha ng mga impormasyon, larawan, musika at pati na rinmga larong sadyang nakalilibang.

Sa inyong palagay, mapapabilis ba ang ating mga gawain kung wala ang teknolohiya upang tumulong?



Sa larangan ng edukasyon, higit na mas marami ang mapagkukuhanan ng impormasyon lalu na sa mga pananaliksik, mga proyekto, at assignments ng mga estudyante sa kanilang mga asignatura. Sa pamamagitan ng Internet, nakakapunta ang mga estudyante sa mga websites na patungkol sa kanilang nais saliksikin.  Sa Internet din maaaring malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng mga "online newspapers" ng mga lokal at dayuhang pahayagan. 

Sa mga nagtratrabaho sa mga opisina, mas napapadali ang organisasyon ng mga datos, ang presentasyon ng mga report at ang pagpapasaayos ng mga dokumento sa opisina. Mula sa lumang makinilya, nariyan na ang mga computer na nalalagpasan ang kakayahan nito at nakakagawa ng mas higit pa (maliban na lamang kung walang kuryente). Mas napapadali rin ang transaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang ahensya na nangangailangan sa isang ispesipikong dokumento. Bukod pa rito, higit na mas napapadali ang pagbibigay ng serbisyo publiko. Katulad na lamang sa Land Transportation Office, ang pag-renew ng lisensya sa pagmamaneho ay nakukuha na lamang sa loob ng 45 na minuto mula sa dating araw ang inaabot at minsan ay mas matagal pa dahil sa lagayan sa loob ng ahensya. Nariyan din ang e-card ng GSIS na naglalayon na mapadali ang transaksyon ng bawat myembro nito. 



Tunay nga na naging napakalaking naitulong ng teknolohiya sa ating lahat, ngunit tulad ng iba, maari rin itong magdulot ng masama kung kaya't mag-isip muna bago ito gamitin.


References:


kahalagahan ng tekholohiya


Larawan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento