Kilalang Mga Post

Lunes, Disyembre 5, 2011

Musmos na Pinagkaitan ng Kasaganaan


Nang tumigil ang gulong ng buhay, may mga taong nadaganan, nalugmok sa putikan, napariwara, dumanas ng pighati at nawalan ng pag-asa. Sanay na tayong marinig ang mga kuwentong-buhay na gaya nito. Ngunit sa kabilang dako, may mga tao pa ring nagpamalas ng tapang sa harap ng mga problema. . . sila ang mga musmos na batang nagtatrabaho imbes na nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

   Sa kahabaan ng mga eskinita sa Maynila, iba’t-ibang mukha ng kahirapan ang makikita. Mga gusgusing bata na hindi mapaghangad ng kariwasaan sa buhay, tama na ang makaraos lamang. Sila ang mga batang trabahador. Mga larawan ng buhay na hindi pinatikim ng kasaganaan. Kaya’t hindi na rin umaasang mapupunta sa ibabaw ng gulong ng buhay.
          Isa si Ambo sa mga batang trabahador ng Maynila. Sa kabila ng matinding dagok na pinagdadaanan, ipinagpapatuloy pa rin ang laban ng buhay. Ang mga musmos na tulad niya ay nagpapakahirap na magtrabaho saanman, kailanman, umaraw man o umulan, maski ano pa iyan, gagawin nila ang lahat kumita lamang ng kaunting halaga ng pera na pagkakasiyahin sa isang araw. Tibay ng loob at tapang ang puhunan para makaangkas sa nakakahilong ikot ng kapalaran.
          Imbes na sila ang magsilbing pag-asa ng bayan, dahil sa kahirapan ay kinakailangan nilang talikuran ang mga libro at magtrabaho. Naisin man nilang punuin ng kaalaman ang kanilang mga isipan, hindi nila magawa. . .Isa lamang si Ambo sa mga halimbawa ng libu-libong bata na nag-aangkin ng iba’t-ibang mukha ng karukhaan na handing bumangon at lumaban. . . Ngunit hanggang saan at kailan sila magtatrabaho at talikuran ang pag-aaral? Marahilang pamahalaan na lamang ang makakaguhit ng kanilang kapalaran. Kung kailan at saan? Walang nakababatid.




References:
            Larawan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento